Libre nga lang raw mangarap.
Kaya lahat tayo nagttrabahong parang mga asong ulol para kumita para sa pang araw araw na pangangailangan. Pangkain, pambayad ng renta ng kung anu ano, kuryente, tubig, telepono at dagdag nyo na yung may mga cable, internet, at postpaid cellphones. Kaya kung ang pangarap dapat tinutupad, at bago matupad ang mga yon ay kailangan mong mabuhay sa isang araw, at kung kinakailangan mong magbayad nga yan bago ka mabuhay, e di hindi sha libre.
Kaya madalas, halos tumira na tayo sa isa pang lugar ng buhay natin. ang OPISINA.
Kumbaga sa eskwelahan, yan yung papasok ka, araw araw practical test, pero may bayad. mukhang mas masaya di ba. pero di ka naman mawawalan ng kaklaseng kupal e. yung eager beaver. yung taas taas ng kamay mali naman yung sagot. hindi rin mawawalan ng sipsip. para mas mataas yung grade, pero sa eskwelahan, wala kang pakialam. unless humahabol ka sa honor roll.
ang kaibahan ng opsina sa eskwelahan... pulitika. dahil kahit anong oras, sa opisina, pwede kang tanggalin. sa eskwelahan, ikaw ang nagbabayad e. mas nakakaasar ang mga eager beaver sa opisina, kasi maraming nauudlot, maraming naaabala, chain reaction yan. pag di nya magawa yung trabaho nya ng maayos, lahat kayo madadamay. kumbaga, isang turnilyo sa isang makina ang bumigay, may posibilidad na bumagsak. pero minsan iniisip ng iba, tara magpalit tayo ng turnilyo, baka mas maganda yung takbo ng makina e... yan ang tinatawag na ambisyon. wala namang masama.
pero kung ang turnilyong papalitan mo e iba ng sukat tapos umaasa kang mas maganda yung turnilyong ipapalit mo at oras na hindi yan gumana, gudlak na lang sayo.
ang kaibahan ng eskwelahan sa opisina... sa eskwelahan, ang mga utu-uto nagpapakopya lang. sa opisina, ang mga utu-uto, nakakasira ng buhay.
lahat naman tayo gusto ng masayang bahay di ba. at dahil pangalawang bahay na natin ang opisina, so dapat harmonious ang samahan. open. ayoko na ngang gamitin si hudas sa "backstabbing process" kasi najjustify na ng national geographic ang ginawa nya, pero pag ang isang kasamahan mo na tinuring mo ng kapamilya, mahirap intindihin ang pagiging traydor. at mahirap ipaliwanag. yun naman ang tinatawag nating... ambisyon.
wala pa yung symptahy tug-of-war. para lang mavalidate na tama yung ginawa nila, kakausapin nya pa yung ibang kasamahan nyo sa opisina. na akala mo naglalaro ng patintero. para kunin kang kakampi sa susunod, mamimigay ka ng tsokolate.
Ayos lang naman talagang mangarap. basta wala ka lang matatapakan. basta wala kang ulong papatungan ng paa habang umaakyat ka sa rurok ng inaakala mong tagumpay.
meron din kasing mga tao na maninira para lang bumango ang pangalan. sige, ok na kung may konsiderasyon para sa ikakaganda ng "makina" pero... pag meron ka nang inagawan ng turnilyo... ibang usapan na yon.
sabi nga ni rudy fernandez... walang personalan, trabaho lang. HELLO! IF IM A PERSON, THEN IT IS PERSONAL.
wala akong pakialam sa estado mo. kung saan ka nagaral, kung ano ang natapos mo. ipakita mo lang kung paano ka napalaki ng mga magulang mo at wag mo ng ipaliwanag ang ginawa mo. IN FACT, convince your self na hindi ka sinungaling AT hindi ka oportunista.
yun lang naman. simple lang di ba. ^_^
bat naman kasi kailangan pa nating magsiraan para lang gumanda yung takbo ng karera natin? bakit kasi hindi na lang natin pagbutihin ang kung anumang hawak natin bago tayo mamuna ng iba? na aabot pa sa mga maiitim na balak na babalutan natin ng pagiging inosente. na tipong wala raw intensyon na makasira, pero yun naman ang labas. katarantaduhan.