may mga oras ba na minsan, yung mga mabababaw na bagay ang mga nagiging dahilan kung bakit mabilis ka ng maguluhan? yung tipong may mga araw na pakiramdam mo lahat ng tao, kinamumuhian ka.
ako naman kasi, ngayon lang din dumating sa punto ng buhay na hindi na nagaaksaya ng panahon pag asar sakin yung tao. yung tipong kung ayaw mo wag mo. marami rin kasing beses na alam ko naman na nakakaasar ako. pero minsan sinasadya ko yun kasi pakiramdam ko, kailangan mo talagang maasar. hindi naman sa pagiging pakialamero pero kasi may mga oras din naman na ako yung naasar. tapos bilang magkaibigan, mutual na yung usapan na pwede tayong magasaran di ba?
minsan, gumigising na lang ako na iniisip na sana iba na uli lahat. yung tipong hindi ko kilala lahat. tapos magpapakilala uli ako. mali na kasi e. parang alam mo yun, alam ko naman talaga na ok ako. hindi sa nagcclaim na ok ako pero marami naman akong kaibigan na makakapagpatunay non. minsan lang, kanya kanyang ugali ang tao. at galit ako sa traydor. sabi ko nga, kung galit ka, sabihin mo agad. kaibigan kita di ba. hindi yung asar ka, sasabihin mo sa iba pero sabi mo sakin wala lang yun. ang gulo lang. mali kasi e. kung ayaw mong lumaki yung gulo, in the first place, you should end it with me.
tapos minsan hindi mo na alam sakyan. kaya gusto mo na lang lumayo o umiwas. kasi marami rin naman akong dapat isipin, aksaya lang tuloy ng pagod ang isipin pa yung ganung klase ng issue.
kung ako ang klase ng tao na dapat magisip na may kanya kanya tayong differences, why should i be an exemption? kung gusto mong respetuhin ko ang pagkakaiba ng mga tao at isipin ko yun, dapat maisip mo rin na iba ako. may mga prinsipyo rin ako sa sarili na dapat respetuhin ng iba. hindi rin ako perpekto. ako yung klase na pag sinabihan mo ng mali, makikinig ako. at kung may mali ako, aaminin ko. dahil maiisip ko lang lalo na takot kang marealize na ikaw ang mali all along.
at isa pa, nalulungkot ako na ako yung klase ng tao na kailangan kong patunayan sa yo ng paulit ulit na hindi ako nangiiwan sa ere. yung klase ng tao na pag nasabi ko na, ayoko ng tinatanong uli. lalo na kung yung nararamdaman ko ang kinukuwestyon mo. na para bang wala akong karapatang magisip, at makaramdam ng hindi maganda.
wala lang kagigising ko lang. at ito agad ang pumasok sakin. babaguhin ko lang ng konti ang pagiging malapit ko. tapos hindi ako napapahalagahan. hindi naman ako nagseself pity. gusto ko lang reasonable enough.
nakakasawa na kasi.
huuuyy... may pwob k? heheh bka meron? ... wla lng im here to listen hehehe ... ^_^
ReplyDelete