1.12.2008

That Kind Of A Day.

Alam nyo ba yung pakiramdam na minsan wala kang karapatang malungkot kasi pakiramdam mo ang ipokrito mong malungkot? Na minsan, alam mo talagang hindi ka huhusgahan ng mga huling susumbungan mo pag malungkot ka pero in the back of their heads they feel na you deserve it? Hindi sa paranoia pero alam mong vulnerable ka lalo na pag may mga bagay na sobrang nakakapagpalungkot sayo.

Pag namatayan ka, akala mo ang pinakamasakit na bagay na nangyari sayo eh ang maiwan. Pero kung tutuusin, ang pinakamasakit pala ay ang maramdamang dapat ka palang iwan.

To clear things out, hindi na natin kailangan pang mamatayan e. Yung mga salita pa lang na implying that you deserve to be sad because you do not have the right to grieve over something that you caused. nakakadurog na ng pagkatao.

Mahirap maging tao. Yung hindi mo alam kung saan idadaan ang emosyon lalo na pag ikaw ang kupal. ikaw ang siga. ikaw ang matapang. ikaw ang natatakbuhan. ikaw ang sinasandalan. at kung bakit ka ganon, eh dahil kailangan mong maging kupal, siga, matapang, takbuhan at sandalan. Kailangan mong maging malakas. Pero nakakapagod pala lalo na kung ikaw ang may kailangan. Na sana kahit hindi mo hingin, kaya nilang ibigay. dahil yung ang makakabuti sayo at hindi dahil sa kahit anupamang dahilan.

Whenever you go to a funeral, i think the best consolation a person can have is a hug, a good ear, and time to spend. Because in a funeral, words can be the water that could calm a person's senses, or the water that could drown him more to sorrow.

And to put on emphasis, when a person is grieving over someone who passed away, let the person cry. let the person feel that pain. or let the person not talk about it. because as a decent human being with clear senses, everyone should know by default that nobody has the right to judge that person, much more, on a certain day like yesterday.

Yesterday was the day when i lost grip to a past. and also, yesterday was that day i let go of a certain future.

No comments:

Post a Comment