7.06.2010

That Lane You Do Not Want To Get Through.

Hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa panahong to. Alam kong wala akong dapat problemahin. Wala akong dapat isipin. Pero minsan pag nababalikan mo kung ano ka dati, gusto mong tumigil don. Gusto mong walang nagbago.

Hindi ko maintindihan kung ano yung klaseng lungkot na nararamdaman ko. Pag nakakasama mo yung mga dati mong kasama sa buhay, pag nakikita mo yung mukhang sa loob ng ilang taon mo nakasama at hindi mo na gaanong nakakausap, mag-iisip ka kung anong nangyari. Kaya kahit boses man lang, o text, gusto mong maramdaman na andun pa rin kayo sa isat isa. Na kunektado kayo.

Hindi ko rin naman mapigilan na magtanong kung sino ang mas matimbang sa bagong kinakasama. Kahit alam ko namang hindi masasagot ng diretso yon, pilit kong tinatanong. Dati kasi alam kong malaki ang mundo ko. Marami akong matatakbuhan. Marami akong makakausap. Ngayon, alam kong kahit pwede ko pa ring gawin yon, ramdam mo na hindi na talaga pwedeng maging gaya ng dati.

Dati may mga taong hindi kayang mabuhay ng wala ako. Exag. Pero pag nabitawan naman kasi yung mga salitang yon, dati, iisipin mong habangbuhay ganon. Pero alam nyo, hindi talaga. Nagbabago talaga lahat. Nawawala isa isa.

May mga alaala talagang sobrang ganda at sobrang saya. Pero sa tuwing sasagi yong mga yon sa isip ko, bakit ako nalulungkot? Naisip ko, hindi talaga pwedeng ganun habangbuhay. Magbabago at magbabago talaga ang mundo. Mapapalitan ang lahat ng mukhang araw araw mo kasama. Pati sarili mo, hindi mo mamamalayang napalitan na rin.

Wala lang. Minsan, hindi mo maintindihan kung ano na ang pakiramdam ng dating pamilyar.

No comments:

Post a Comment