5.09.2005

5.07.2005

ek.

tagal kong di nakapagpost. hm..

thursday: the hale/spongecola/sugarfree event sa glorietta. dapat backstage ako kaso late dumating si karen. pero at least katabi ko si champ the whole sugarfree slot. hehe. at nagusap kami.

friday: in celebration of gabby's birthday, we went to enchanted kingdom. i had my very first dreamcatcher! yey. hanggang ngayon, wala pa rin yata sa lugar ang utak ko dahil sa space shuttle. basang basa pantalon ko paguwi. pero ansaya naman e. may bago tuloy akong friendster pic na di ko pa nauupload.

saturday: went out with tricia.

yun lang. hilo pako kaya ayokong magisip.

5.04.2005

the day i learned how to hurt.

monday, 12 mn. we went to the studio for a band rehearsal. we finished an original song and it turned out good. went home at around 4am then we stayed outside for another 2 hours to talk about the songs. and other stuff.

6am, i got really really sleepy then i signed off. they went home and instantly, i fell asleep. 720 am. i was awaken by some loud banging. i stood up opened the door, and it was my uncle. my drunk uncle, who, in the past 2 years of my life, kept harassing me/us and terrorizing our home, in which i just succumbed to. until my mom, my sister left our very own house and just visits eventually.

until that morning. una, ayoko sa lahat ng ginigising ako. pero yung sinisipa nya pa yung pinto ko e mas mukhang ayoko nun. lumabas ako, at tinanong kung bakit. sabi nya, "bat mo sinara ang pinto ko?" ano daw? sinipa nya ang pinto ko para itanong ang isang walang kakwenta kwentang bagay? mainit kasi sa kwarto nya tapos iniiwan nyang bukas yon. at ANONG PAKIALAM KO SA PINTO NG KWARTO NYA? so sabi ko..
"eh? *sabay labas ng kwarto ng nakaboxers* bukas naman ah."
"shempre binuksan ko!"
"o? anong problema mo ngayon?
"WAG MONG ISASARA ANG PINTO KO!"
"hindi ko nga sinasara ang pinto mo! bat ko ba isasara yan???"
"MAINIT NGA KAYA WAG MONG ISASARA!"

*pasok ng kwarto sabay lock uli ng pinto*

at hindi nako makatulog. tinatawagan ko ang mama ko dahil gusto ko na syang ipapulis. dahil ayoko ng mabuhay sa isang mundong may nakikitira at nanghaharass pa. kundi ba naman nagssuffer sya sa ultimate na kakapalan ng mukha. eksakto, dumating nga si mama dahil may kukuning gamit. nagtaka kung bat gising pako. at kung lasing ba si tito. so sinagot ko naman. nagalit si mama nung nalamang sinipa nya na naman ang pinto ko so bumaba sya at tinanong nya sa PINAKAMAAYOS na paraan kung may galit ba sya sakin. bigla ba namang sinigawan ang mama ko! so nagshirt ako at bumaba. pasigaw kong tinanong kung bakit sumisigaw sya.

bigla nya akong sinugod sa hagdan, at ako, napasugod din pababa. sinapak ko. nagulat sya. tumakbo. kumuha ng walis. hinampas ako sa ulo. sinapak ko uli. ni-headlock ko. binuksan ko yung gate. hinagis sa labas ng bahay. tinadyakan, habang ang linya ko.. "ano! tang ina mo, tayo! gago ka ha!" nagtry syang bumangon pero di gumawa. tapos nakita ko na lang ang daming dugo.

ayoko ng idetalye. pero natapos yun nung pinulot ko sya sa labas para dalhin sa ospital para ipatahi yung kilay nya. 6 stitches. pati mama ko sinugod din. dahil muntik ng atakihin sa puso. sobrang bloodshut yung eyes nya tapos di makahinga.

at sa biyernes, pulis na ang kasama nya dala ang mga gamit papuntang airport. dahil kailangan nya ng lumayas kahit durog ang puso ko sa itsura nya. sawa nako.

4.27.2005

quarter life crisis.

magkasinginit na ata ang ARAW at ang KWARTO ko. sa sobrang init, kung may buhay lang ang aircon ko, magpapabili rin yun ng aircon para sa kanya. mahihiya ang kawali sa sampayan namin. kulang na lang magliyab. pano, nagpunta ako ng terrace, nadikit ako sa sampayan namin, ayun, may paso ako sa braso. GANON KAINIT!

at kailangan ko ng magsalamin. dahil since april 14, may migraine attacks ako. ngayon ang pinakamatindi. akala ko dahil sa init. yun pala dahil sa liwanag. punyeta punyeta. may problema pa ang banda namin. isang mahaba at personal na entry kaya wala rito sa post nato.

depressed ako. 1 month na. pero walang dahilan. dinagdagan pa ng mistulang silab ng impyerno. wala nakong masasabi. sawa nakong magsalita.

4.22.2005

[none]

wala na si anwar. :c what the fuck is happening to them? ang galing kaya nun. pag natanggal pa si bo at si carrie, ewan ko na lang.

migraine attacks for 6 days now.

4.19.2005

guest ako sa south park.



i edited 's work. this is all his idea and he sent it via email. thanks bes. :)

imago gigskeds and stuff.

though na-post na po ito ni boss tim, uulitin ko lang.

April 23 (sat) : 10pm. BSU MALOLOS BULACAN. multi-band concert w/ Cambio, Sugarfree and other bands.

April 29 (fri) : MAYRICS Play 4 Serve

saya nyan. kitakits tayo.

====================================================
you can now vote for AKAP and lets make it on the top of every list!

[*] NU107
(text) type in:

NU [space] midnight [space] AKAP
then send to 2299 for globe subscribers

NU [space] AKAP
then send to 209 for smart/addict subscribers

[*] MAGIC 89.9

(text): send to 29761899
(landline): (02) 631 0899

[*] RX 93.1

(online): http://www.rx931.com/interact/request.asp
(landline): (02) 631 9393

[*] LOVE RADIO

(text) type in:
LOVE [space] AKAP
then send to 2299

[*] wRR 101.9

(text) type in:
WRR [space] AKAP
then send to 3977

[*] 102.7 star fm

(text) type in:
star [space] fm [space] AKAP
then send to 29765

[*] RT 99.5
(landline): (02) 976 1995


[*] MYX (para mas madalas nating makita ang video)

(text) type in:
myx [space] vote [space] akap
then send to 2366

===============================================
For Imago Bookings and Inquiries, kindly contact the:

3rdline Management

Landline: (02)426 0103 / (02)426 5301
Mobile: (+63)918 9379209
Email: thirdline@pacific.net.ph