5.09.2004

call center.

walong oras nakaupo
mumurahin lang ng kano
hikab mong nakamamatay
paguwi para kang gulay

gigising sa gabi
wala ng traysikel sa tabi
ang bespren mo ay headset
may katabi ka pang bwiset

bawal kang magtagalog
kahit mukha kang nognog
samahan mo pa ng maarte
mga mukha namang bulate

ang kakampi mong kape
at vitamins na bote bote
kapalit ng bulsa mong puno
ang pagkaubos na ng dugo

tanginang buhay yan
araw araw puyatan
dila mong puhunan
parusa ng lalamunan

mga hilaw na kano
kung magisip naman ay bano
kailangan pang magtiis
sa officemates mong burgis.

No comments:

Post a Comment