6.09.2005

nuninuninu...

i am a walking noise barrage.

i was sick since friday of last week after hale's indos gig. maglakad ba naman sa ulan from baywalk to indos malate e. **basang basa sa ulan playing on the background habang tumatawid ng roxas blvd** ew. i still go out. tarantado ako e. i just came from rob place since gusto ko ng dinuguan ng chicken bacolod inasal. kagabi hinahanap ko shake sashimi ng teriyaki boy. kaya nagpunta ng glorietta kahit 830pm na. i am a sick pregnant boy. daig ko pa ang naghanap ng papayang walang buto sa paglilihi.

PR na kaya talaga ako? ano kaya ang sasabihin sa akin ni pretty rockstar? ano kaya ang paguusapan namin? ako kaya ang gagawing bida sa bagong video nila? papayat kaya ako in due time? hmmm... so many questions ng side a. ew uli.

ano na bang nangyayari sakin? ang nagagawa nga naman ng tagulan. nanood daw ako ng sitcom na bora kagabi. yan ang nangyayari pag sira ang remote control mo. if u wanna keep ur sanity, make sure that you dont break your remote control. geez. and after waking up, isang hindi maintindihang telenovela na di ko alam ang title ang nagpatulala sakin. cant understand bat maraming nahoo-hookup sa mga ganung programa. sabagay. walang prerequisite na utak. buti pa ang game k n b. magagamit ang knowledge sa pangaraw araw na buhay. gaya ng tanong na kung sino ang audrey hepburn ng pilipinas nung 1965. sagot: si barbara perez. *clap clap* how healthy my mind is.

nood tayo ng shutter. ayain nyo ako. ayokong magisa. baka ikamatay ko.

btw, sensha sa ubo. again, i am a walking noise barrage. a FRIENDLY noise barrage. :)

No comments:

Post a Comment