2.25.2006

state of emergency.

i am not the political type who talks about the what shoulds and the what shouldnts. isa lang akong ordinaryong mamamayan na gustong mairita sa lahat ng nangyayaring bubuo sa aking kasaysayan. in which unfortunately, walang saysay.

i got enough of the EDSA rallies. i mean... this is how we celebrate the '86 revolution annually. ang magpalit ng presidente. kahit paano, napansin ko lang na para lang tayong nagpapalit ng color theme ng ornaments sa christmas tree. isang bagay na hindi ko talaga maintindihan. sabi naman ng lahat gusto nilang umunlad. yumaman. makakain. world peace. eh punyeta, sa sariling bansa wala ng ginawa kundi maglokohan.

nagsimula yung interes kong manood ng balita nung medyo naalarma ako nung may sumabog daw sa malacanang. ang version ng mga nasa loob, may kung anu ano lang daw sa basurahan na yun na nahagisan ng kung anong umaapoy. ah ewan. ang sabi naman ng nasa paligid, simula na raw ng kudeta. dinideny lang daw ng malacanang na napasok sila at nakakahiya daw kaya ayun gumagawa ng kwento. ganon katindi ang kredibilidad ng gobyerno natin. parang tsismis lang na kumalat na ayaw paniwalaan na parang telenovela na involved si rio locsin at jacklyn jose.

so ayan nagsimula na ang paranoia. nagdeclare kanina ng state of emergency. akala ko naman para sa mga tao sa leyte. emergency daw e. pero nung nakausap ko si luli (how political. pseudo name po yun ni zobel), grabe na raw pala yung rally sa may santolan. i got worried coz launch ng CHILITEES ngayon. at yun ang concern ko take note dahil sa saguijo ito. kudeta na raw. eh? bakit?

sinagot ng newsflash ang aking tanong. sabi may nahuli raw kanina na bumubuo ng grupo (parang mga clan clan lang) laban sa presidente. nung tinatanong naman sila wala silang maipakita. so kanina sa mga rally, may mga warantless arrests na, batuhan, mga pulis na may yellow bamboo-like batutas, at maraming inoy na 90% ay hindi pa nanananghalian. pupunta lang daw sa edsa. eh bakit hinarang?

pumunta na lang ako sa bahay ng ate ko kesa sa edsa. eh kahit kailan napunta lang ako ng edsa dahil sa megamall or rob galleria. ayoko ng makigulo dun. so habang nanonood ng tv, napatanong si ate.

ate: "sino na naman ang ipapalit na presidente kung sakaling bumaba si gloria?"
ako: "malamang si noli. ganun ang sistema di ba?"
ate: "eh ayaw din nila kay noli. bobo raw."
ako: "eh never namang nakuntento yang mga yan e"
ate: "sana si ninoy na lang. bat pa ksi namatay yun."
ako: "alangan namang ibalik si cory eh nagkudeta din nun di ba?"
ate: "dapat related na lang sa kani....."
SABAY: "SI KRIS AQUINO NA LANG!!!"

(imagining heart-shaped confettis in bright hot pink color, exposing her pearly white teeth, with our first gentleman... james yap.) how dreamy.

No comments:

Post a Comment