![]() | che and i are both surprised when gabby got 3 medals. coz i thought teachers tell the parents if their child will be having an award beforehand. first, we sang the national anthem (which i actually miss) then recited panatang makabayan. and its different na pala. weird. sana pala nauupdate tayo sa mga ganyan. or magulat na lang tayo may lupang hinirang remix featuring lani misalucha na. |
1. "wag nyong paniwalaan si ernie baron. hindi power ang knowledge. WISDOM IS POWER."
2. "ano ang kaibahan ng smart sa wise? ang smart sa tagalog, marunong. ang wisdom ay karunungan."
3. "sino ang may mga anak rito, taas ang kamay."
4. "dapat lahat tayo may fear of the lord. kasi kung hindi tayo natatakot, bastos tayo."
5. "alam nyo ba ang slumbook? ano nilalagay nyo sa motto? dapat try and try until you succeed. yan ang ilalagay nyo from now on. bakit kanyo? dahil yan ang sinabi ni god our savior.
pero ito ang nangunang quote na hinding hindi ko malilimutan.
"ang knowledge ay galing lang sa tao. pagiging maalam. ang wisdom ay galing kay jesus christ."
O_o
i listened for 20 minutes then i stood up, went to a store outside, then bought c2. hindi ko na sha gets. ang bigat sa loob na maraming bata ang nakikinig. bakit sha ginawang speaker? *shivers* kindergarden pa sha ng kindergarden. nakakairita talaga. he spoke for 1 hour and 30 minutes. wow. nakakaasar pa when a kid is doin something wrong tapos nakatingin lang yung nanay na hindi sinasaway. i was taking pics of gabby sa stairs then this kid is playing with a locked door sa tabi so, ang ingay and kasaway saway talaga. i was looking for the mom kasi baka maipit yung bata, paglingon ko, nakafold lang yung arms tapos nakatingin samin. yung mata ko nangungusap. sabi "hoy anak mo pag naputulan ng daliri rito wag kong marinig rinig na maghihihiyaw ka. sisipain kita sa mukha." ganyan kagalang ang mga mata ko. i think i still dont like kids. i just love my own and i think its fair enough.
| then i asked gabby kung san nya gustong magpunta or kumain after. sabi nya gusto nya ng cotton candy tapos punta sa zoo. so pinagbigyan ko naman. doble yung bayad dun. 40 sa entrance tapos 40 uli sa kinder zoo. eh lima kami so goodluck sakin. wala naman kaming napala sa kinder zoo. dalawang paruparo lang nakita ko sa butterfly farm. ano yun hinihintay nila mangitlog? tapos wala yung mga giraffes, rhinos, hippos. puro pusang ligaw lang ang nagkalat. shet. | ![]() |
hassle yung araw, but a dad could never be prouder.


No comments:
Post a Comment