ang kitchen naming mistulang building sa tagal matapos, ay isang malaking katarantaduhan. malalaman ng isang tao na hindi na maganda ang hassle na nangyayari sa buhay nya kapag ang mga sumusunod na ito ang mga tanong sa sarili.
- nakakain ka na ba sa ibabaw ng ilalim ng upuan?
- namula ba ang mata mo ng dalawang araw dahil sa alikabok?
- nakapagluto ka na ba ng noodles sa labahan ninyo?
- naubos na ba ang mga damit mo dahil hindi ka nakapaglaba ng dalawang buwan?
- nakagastos ka ba ng mahigit dalawang libo para sa masusuot na damit dahil di ka nga makapaglaba?
- nakatapos ka na ba ng 4 libro sa loob ng tatlong araw dahil di ka makanood ng tv?
- nawala ba ang remote control ng compo nyo dahil sa mga tambak na gamit?
- nagmistula bang kulay semento ang blue mong converse?
- nakapaghiwa ka ba ng bawang at sibuyas sa may hagdanan?
- tumira ka na ba sa kwarto mo ng mahigit tatlong linggo?
- naghugas ka na ba ng pinggan na may pintura at semento?
- ginusto mo bang kumain sa malinis na plato pero hindi ka makakita ng kahit isa?
- naghanap ka na ba ng plato habang mistulang mamatay ka na sa gutom?
- sinubukan mo na bang magbukas ng lata gamit ang tinidor?
- nakapaghalo ka na ba ng corned beef gamit ang tinidor na pambukas mo ng lata?
- nanghiram ka na ba ng pambukas na lata sa kapitbahay na kahit si mcgyver ay magtataka kung paano gumagana yon?
- nabaliw ka na ba habang umaasang gaganda ang kusina at banyo nyo?
ako, isang namamakyung OO.
breakfast: (1:25PM GMT +8hours)
3 tigdadalawampisong sago
5 boy bawang
1 tiglilimampisong melon
3 isaw
lunch: (4:40PM GMT +8HRS)
7 pan de coco
1 starbucks na warm choco without whipped cream (uy sosi.)
dinner: (mamaya pa to.)
ang walang kamatayang sashimi sa tokyo tokyo.
.... sana umabot ako ng birthday ko. *kaba*
(kasalukuyan akong nagddownload ng songs para sa lineup namin. 225 kb na lang,,, biglang na discon. back to 0. wow. cant i just kill myself?)
No comments:
Post a Comment