11.18.2004

hangganan.

nangusap ka na ba sa kumpol ng batong nilumot? itinanong kung hanggang saan ang taas ng pangarap na ipukol sila para makita ang munting iglap ng ganda?

ang lalim ng karagatan na mababaw para sa buhangin, naramdaman mo n ba?

nakakatawang inaabot ng katauhan ang langit. pinagisipan ang mga laruang nakakayanang labanan ang pababang hila ng mundo. nagdasal para makarating lang sa malaking asul na kumot habang hawak ang mga bituing ikinandado ang mga hiling na di natupad. mga patawad na hindi naipadala. mga tanong na hindi nagtutugma.

nilalabanan ang katotohanang ang langit na inaasam, pag narating, may patutunguhan pa. nag-aagawan sa init at dilim na hindi namin gugustuhin ninuman. at hindi kailanman papangarapin.

gusto ba talaga ng lahat mapunta ng langit? o impyerno lang ang gustong takasan? mundo lang ang gustong lutangan? pero ang totoong langit, hindi talaga pansin. hindi tinitingala, hindi nililingon.

dahil sa iba, langit ang apoy na maaaring idaan sa takas. sayaw sa baga, na hindi nilubayan. nangapa sa dilim para makakita, ng hindi gumagamit ng liwanag.

mga emosyong luha ang itinatangis sa ibang nakangiti. nakangiti sa mga luhang itinatangis.

nasaan ba ang langit?

No comments:

Post a Comment