1.13.2005

lunod.

isang patak ng luha sa bawat isa ng mga paalam na walang hangganan. katauhang binulag ng pag-ibig, nilumpo ng mundo at pinatay ng pag-asa. karamutang ipinagmalaki ng walang dahilan.

sayaw sa bubog.
langoy sa kawalan.
tadyak ng hambog.
lupit ng katangahan.


iniligaw ng landas ang isip ng isang anghel. ginampanan ang buti, sinuklian ng pait. ito ang inihanda sa harap ng lahat. isang malaking kasuwailan sa pananaw ng marami. pero ipinaglaban. sandata ang kasinungalingan. tinikis ang ligaya para sa mandarayang puso. pusong kailanman ay hindi natighaw ang uhaw. pinainom lang ng luha.

putang ina. pag-ibig daw. bulag na pagkatao ang kapalit. inagaw na ng pananarantado ang buhay. aasa ka pa ba ng saya?

No comments:

Post a Comment