1.04.2005

saklay.

binigay ng diyos lahat. ako pala ang tumanggi. nanghingi ng lahat ng patunay hanggang napagod siya.

nandito ako ngayon, pinili ang umiyak kesa ipaglaban ang kahinaan. dahil marunong di akong mapagod. sampung taong tinuruan ang sariling lumaban at magkaroon ng buhay, na natapakan ng mundo, hanggang ang inalagaan kong at pinakain kong yabang ang ngayo'y kumakain na ng aking kabuuan, ng aking katinuan, ng aking katauhan.

hindi kayang magmahal ng tao habang hindi pa natututong mahalin ang sarili. dahil ang mga taong magtuturo sa iyo kung paano ay may mga sariling buhay. na hindi sa lahat ng panahon ay may tiyagang maging nandiyan. lalo nat ikaw mismo ay hindi kayang pagtiyagaan ang maging ikaw. at habambuhay, iaasa mong mahalin ng iba, habang hindi ka pa marunong. at ito pala ang kaya kong patunayan.

para akong pilay na hindi natutong lumakad. dahil sa tinagal ng panahon, nagpaalalay lang ako. idinaan sa awa ang pansin ng mga tutulong. at pag nalaman nilang kaya kong lumakad dahil natatakot lang ako sa dahilang masakit o sadyang walang tiwala sa lahat maging sa sarili, susukuan ka.

tapos na ang kalahati ng aking buhay. at bumalik ako sa simula. simulang mistulang walang kahihinatna kundi ang maging pilay na nanghihingi ng tulong. inutil. sagabal. pabigat.

naputol na ang magkabila kong saklay. at isa lang ang kailangan kong gawin. ang matutong tumayo, maglakad, at mahalin ang sarili ko.

No comments:

Post a Comment