actually di kami sa kwarto nagumpisa.. since nagmistula na raw talyer ang aming terrace, dun kami nagsimula. it took us 2pm to 630 pm and 7 SACKS of trash. (imagine.. big sacks ha. sako ng bigas itong pinaguusapan natin hindi medyas.) sa terrace pa lang yun...
before...

ayan ang "walang pagasang" malinis na lugar. nung una. kaya kami ni josh sobrang tinatamad na "vin.. pahinga naman." eh si tazmanian devil ata to nung una nyang buhay.

*sigh* mga alaala ng nakaraan...
nahalungkat pa namin yung 6 years kong organizers na dami ng kaekekean. nakarinig na ba kayo ng lalakeng "tambay sa tickles"? yun ay ako. organizer na transparent at ang mga neoprints taena... ansaya. nakita ko pa yung nawawala kong mtv alternation kong cassette tape kasi nakatago pala sa body bag na nauso kasabay ang elephant pants at andun sa loob ang walkman ko. (di ko na mahalungkat kung saang karton ko nilagay... isscan ko sana yung neoprints pero thats worth another post. :D)

ayan ang lahat ng di maintindihang dami ng basurang dapat itapon na wala namang gamit pero antagal ng nakatambak kesyo magagamit daw. mga nanay talaga hahay.

at sa kwartong magulo... kumain muna kami ng tuna sandwich at sprite na para kaming manggagawang pinameryenda. sobrang ayaw na naman gumalaw after kumain. pero nung ok na lahat...

nicely stacked dvds and mags... incense and lava lamp... hay, ansarap matulog sa kama kong nakasapin ang "red **x sheets". hahaha

habang nakaupo ng maayos sina spongebob, cookie, piglet katabi ng aking ampli na malapit na sa saksakan (yehey!!!), nakahiga na lahat sa kama nung dumating si dianne at teena. dim lights *winks* hahahaha walang taluhan no worries. binabastos lang si dianne at di bagay sa wholesome lj ko ang pics.

at ang bago naming tatambayan from now on. di na kami sa garahe nina ambin iinom. para may dvd at beer... friendster at myspace.. boom da base chicane/kaskade/pedicab.. emo emohan sounds.. habang nakaupo sa malamig at MALINIS na terrace. woohoo. (wala pa yung table at mga upuan na gagawin namin ni marv this coming week)
masarap nga pala yung sa knock first. wala mang bagong gamit as of now.. pero pag napinturahan na namin ni marv at nakagawa ng bagong aparador na puro salamin... HINDI NA KITA PAPALABASIN NG KWARTO BEYBEH! :D
kay josh and marvin.. salamat at magiging kwarto na ang battlefield nato. halabshu mah men. *kabogs dibdib*
No comments:
Post a Comment