9.15.2010

Isa.

Hindi ko alam kung ang alinsangan ng gabi ang dahilan kung bakit hindi pa rin ako makatulog. Binigyan na nga ako ng duktor ng gamot na pwedeng makapagpakalma sakin pero walang talab. Hanggang sa dumating ako sa sukdulang dapat pala ako matuwa kahit paano dahil ginusto ko to lahat.

Nung unang rinig ko na may sakit ako sa puso na dahilan ng pagkamatay ng tatay ko, nalungkot ako. Parang ang aga yata. Iniisip ko, "ah, wag seryosohin kasi may panahon pa."

Hanggang sa naalala ko ang lahat ng mga taong dapat sumasalo sakin sa ganitong panahon. Hindi ko maintindihan kung bakit pakiramdam ko pa rin, wala na talagang makakapagpabago sa kung ano ang matagal ng tumatakbo sa isip ko.

That whenever you experience joy, or satisfaction, that is just temporary. Dahil sa ilang minutong salita, lalabas ang tunay na anyo ng daan kung saan ka tumatakbo.

Naalala ko si Nino. Tatlo kaming sabay-sabay lumaki. Si Clark, si Nino, at ako. Nung nagkahiwahiwalay kami nung mga 14 ako, nabalitaan ko na lang after 6 years na namatay sha sa sakit sa puso.

Si Archie at Jeje. Ang mga "backer" ko na mahilig mang-harang para lang makipagkuwentuhan. Nasunog sa Ozone nung gabing inaaya nila ako pero hindi ako sumama. Dahil sinumbong ako ng Ninang ko na tumatakas para i-celebrate yung birthday nila.

Si Clark, binaril ng hindi kilalang lalaki, dahil yata sa babaeng may gusto sa kanya pero tinanggihan nya. Nagkataong may kuneksyon ata yung babae sa malaking isda.

Si Wine. Mula pagkabata, magkaibigan na kami. Hanggang sa nagkaroon ng away na lumaki na lang, dahilan kung bakit hindi na kami nag-usap ng anim na taon. Kung kelan nalimutan na ang galit, at pinaghandaan ang muling pagkikita, hindi ko naman inakalang magkikita kami sa ospital kung saan anim na tubo ang nakakabit sa kanya. Na pinilit nyang iabot ang kamay nya sakin at sabihing "I Miss You." Na nasayang ang anim na taon kung saan pwede pang nabawasan ang dahilan kung bakit sha nagkakanser. Stress, o kung anu ano pa. Pero walang bisyo yon.

Doon na ata ako sumuko. Yun na yata ang huling iyak ko na pakiramdam ko, inggit. Dahil sa ilang beses kong sinubukang mauna, hindi ko yata kayang ako ang gagawa ng paraan. Hanggang sa sinabi ng duktor sakin. Na masyado pa akong bata para magkasakit ngayon. Na hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman.

Ang galing ng tao. Marami sa atin ang nagnanais maging imortal. Naalala ko lang ang mga kwentong hinahanap nila yung panghabambuhay na kabataan. O magpapakagat sa bampira para mabuhay habangbuhay. How can anyone love life? How can anyone try to look for love if it's the main reason why it breaks our hearts? How can anyone live trying to find the reason, arguing about religion, standing tall for principles, fighting for rights, if most of our lives, we tend to have our hearts broken for a million times, and yet pretend to be stronger.

How can anyone believe that we are made for one person? If that person does not stand the chance to love forever? If love is a decision, then what about pain?

Dahil sabihin ko mang marami pa akong panahon, paano pag sinayang lang ng iba? Paano kung gustuhin kong sulit ang ikli ng mga araw, paano kung walang kuwenta sa kanila?

Hindi ko talaga mundo to e. Pasensya na. Pero sa mga susunod ko pang araw, kaya ko pang magpanggap na masaya.

No comments:

Post a Comment