4.30.2004

10 reasons how you'll make it big if ur a call center agent

10. dahil may libreng iced tea at kape, kahit adik ka, di ka na bibili sa starbucks, o ano kaya ay magtatakeout ka sa fastfood ng walang drinks.

9. dahil gabi ang shift mo at minsan ay napapasarap ang tulog, walang makakahalatang di ka naligo pag pumasok ka, konting basa lang ng buhok at dahil malamig, di ka na pagpapawisan. tipid sa sabon, shampoo, at tubig.

8. kahit paano, magiinvest ka ng dalawang blazer/ jacket. kaya kahit pambahay ang suot mo o paulit-ulit na lang, walang makakahalata.

7. dahil lahat ay may dalang yosi, pede kang manghingi during yosi break instead of buying your own.

6. wala ka nang oras magpunta ng mall. kaya't wala ka ring mabibiling interesado ka.

5. di ka na makakagimik tuwing sabado at linggo dahil minsan ay yun ang peak days ng callers. kayat mas malaki ang posibilidad na ang off mo ay weekdays. subukan mong magpunta ng libis o malate ng martes, tatlo lang siguro kayo sa dance floor.

4. may libreng bond papers, ballpens o minsan ay envelopes at folders. para sa mga nakababatang kapatid na may art subject habang elementarya. kung wala ka naman ay pede mo na lang ibenta ito.

3. may photocopying machine sa hr office. wag lang pahuli kung gusto mo ring pagkakitaan.

2. libre internet. ng walong oras. kung 15 o 20 isang oras sa cafe, mahigit 160 pesos ang matitipid mo.

1. wag ng kumain pag lunch o 1hr break. manghingi na lang ng yosi at magtiyaga sa kape. idahilang ayaw mong antukin kaya hindi ka kumakain.

ayuz? ayuz! take it from the expert.

No comments:

Post a Comment