
nandito pa rin ako. nakatitig lang sa isang kahon habang pinipilit bulagin ng liwanag ng araw na sumisingit sa pinto. akala ko paggising... tanggal na ang bigat ng loob ko. antagal ko ring nakatulog. pero hindi pa rin maalis lahat. iba pa rin ang takbo ng isip kong tila nabalutan na ng hamog. minsan... iniisip ko kung totoo ang sumpa ng isandaang taong pagtulog. hati talaga sa gitna. masaya dahil mas malabong masaktan ka sa panaginip pero.. pwede pa ring bangungutin. nakakatakot dahil baka paggising mo.. ganun pa rin ang mundo. mas malala.. wala na ang mga taong pinaghirapan mong mahalin.
bat ba adik ako sa pagbabago. hindi dahil sa hindi ako marunong makuntento. dahil.. pagod lang akong mabigo at masaktan. dahil baka makalabit ko ang sarili ko at sabihing ako ang may kagagawan ng lahat ng sakit. sana hindi na lang ako marunong magisip. sana wala akong nararamdaman. akala ko natapos ko na ang panahong ganito ako. pero.. ang tagal kong naglakbay, nandito pa rin ako sa umpisa.
napakarami kong tinatago. pinapatunayan sa lahat na masaya akong tao. ano ba yung batayan ng saya? kung sa lakas ng tawa, at mga ngiting hindi nawawala.. mukha nga akong masaya. kahit nasa akin na ang halos lahat na makapaglilibang sakin.. tangina nandito pa rin ako. iniisip ang mga taong hindi na dapat isipin. nanghihinayang ba ako sa lahat ng napagsamahan? para saan ba lahat ng ginagawa ko? bat ganito. wala ata akong napala. naguwi lang ng sakit at nilatag sa kama na lagi kong hihigaan gabi gabi at gigisingan pag umaga.
nakakalungkot dahil masakit din para sa mga taong "mahal" ako. pero hanggang ngayon.. kung alam kong mahal ako ng mga taong tinutukoy ko.. bakit may quotation marks ang salitang yan. (tangina nalimutan ko tagalog ng quotation marks). bobo nako. hindi nako marunong magisip. tangina tangina tangina. masarap sanang maging bobo. pero sana.. hindi natatauhan pagdating ng panahon. yung tipong bobo ka lang habangbuhay. na kahit gamitin ka.. hindi mo maiisip na gagawin nila yon. eh bobo ka nga e. iwas sakit. iwas gulo. mas madali sigurong sumaya.
naglakad ako mula rito hanggang sa isang lugar na hindi ko pa nakikita. naglakad ako ng malayo, nakakapagod at mabato. pero bakit ganun, kung ano yung batong nasipa ko sa umpisa.. nandito pa rin sa harap ko. kulang na lang.. pagtawanan rin ako.
sabagay.. nakakatawa nga naman ang pagkatao ko. kahit ano pang paninindigan at pakikipaglabang gawin... tatawa lang lahat. dahil wala akong saysay. buo na ako sa isip nila at ganon kakilala. kahit sabihin kong mali ang pagkakakilala sakin... ano pa ba ang magagawa ko?
magpapaalam na naman ako. walang hanggan ko nang ginawa to.
bat pa kasi ako tatambay sa lugar nato? para saan? wala namang mangyayari. tatanghod lang, papalakpak, magbibigay ng papuri, tatawa, yayakap, tatapik sa likod, pagkatapos.. ano na? balik sa pagkataong wala na namang mapupuntahan. dadayain ang sarili na bibigyan ka ng direksyon ng mga taong inakala mong naging kaibigan mo na. pero isang malaking HAHAAHAHAHAHAHAAHAHA.. dahil putang ina.. ginagamit ka lang pala.
A Y O K O N A! balik uli ako sa umpisa. isa lang akong token sa monopoly. na pinapatakbo ng gulong ng dice at umaasa sa swerte ng kamay na gagamit sakin. na alam kong matatalo lang uli at malamang.. ihagis ako pagkatapos. ilalagay sa kartong tinititigan ko ngayon, hanggang sa alikabukin.. na parang matutulog ng isandaang taon.
game over. ayawan na. as in. A Y A W A N N A!
No comments:
Post a Comment