1.17.2006

pako.


patuloy kong nililinlang ang katahamikan. hinahayaang dalhin ng hangin ang bawat pagkukusang hindi kailanman umasa ng sukli. hindi na paglimot ang tawag. kasinungalingan na. dahil patuloy pa ring pinatotohanan ng sakit at munting mga kirot ang hinahatid mong alaala na binura sa pamamagitan ng lupa, ngunit ninanamnam pa rin ang sugat na patuloy mong sasalingin.

nananadya ka ba? o ako na ang gumagawa nito? pero sabi nga... na ang mga sagot sa buhay ay nasa mga pinakasimpleng bagay. dinadaya ko pa rin ang aking pagiisip maipagtanggol ko lang ang iyong pagkatao. na hindi mo magagawa yan. malamang sadya nga. at pagod na akong sumalo sa mga luhang hindi na dapat akin.

gumuguhit lang ang usok kasabay ng mga salitang hindi lumabas sa kabila kong tenga. at hanggang sa loob pinahirapan mo ako. magbibitaw ng mga pangakong alam ng diyos na hindi mo paninindigan. na laging paniniwalaan, kahit walang rason para sandalan ang paniniwalang yon.

dadayain ng ngiti sa bawat kasalubong ka. dadaanin sa tawa ang mga patawa mong hindi nakakapagpasaya. isa na lang ang dapat kong payungan... ang sarili kong patuloy kong pinabayaan wag ka lang maulanan. wag lang mabasa ang mga pisngi mo. kalokohan. isang MATINDING kalokohan.

No comments:

Post a Comment