7.14.2006

OA.

sa tuwing nakikita kita... para akong pinupunit. ilang ulit nababasag. pagod nakong magkunwaring kaibigan mo. at hindi ko na alam kung paano lulugar sa tuwing magpapanggap akong masaya pag kausap ka. dahil gustuhin ko mang meron tayong patunguhan... hindi mapapahintulot ng panahon. ayokong mapagod. pero ayoko na ring masaktan.

pagal na ang puso ko sa mabibilis na tibok sa bawat ngiting maaabutan ko. at sa tuwing nagpapaalam ka, dalawin ng antok, bigla tong titigil. pigil na pigil para pigilan ka. dahil gusto ko pa ring makita kang natatawa. pero dumaan na ang mga araw... nagsasawa na ako sa sarili ko. malamang ikaw rin. gustuhin ko mang maglabas ng lungkot... hindi kakayaning lumabas ng mga salita. dahil alam ko... na kaya mo ako hinahanap dahil gusto mong matawa. at yun lang ang maaari mong dahilan. bakit ko ba to maiisip? ah dahil pag nagtanong ako... hindi ka uli sasagot. sasabihin mong alam ko na yon. pero alam mo.... hindi e. hindi ko talaga alam.

nangako akong nandito ako habangbuhay, pero putangina lang... hindi ko na talaga kaya. malamang humihinga pa rin ako pag wala ka na... pero hindi ko makita ang sarili kong wala ka. at hindi ko na talaga alam kung paano pa ako maghihintay. hindi ako makagalaw. at nakakatawa mang aminin... nakakaawa rin pala akong tingnan. tangina. naaawa sa sarili. anong klase yon? pang tanga lang yun e. kasi lumaki akong may solusyon ang mga bagay. at kung marunong akong maawa... e di isalba ko kaya ang sarili ko. kaso... kailangan kong bumitaw. at ayoko namang gawin yun. putangina tanga. tanga talaga.

pagod lang siguro ako. limang oras kaya akong naglaba. puta.

No comments:

Post a Comment