6.03.2007

salita "lang"?

akala ng lahat madali lang magsalita. kaya nga usually, padalos dalos lang tayo. kasi yung pambawi, akala rin natin, salita lang. gasgas na rin yung sa salita AT sa gawa. hindi na gumagana yun nowadays.

minsan din, iniisip ng lahat na panahon lang ang makakaayos ng mga bagay bagay na nasisira. sa pagkakaalam ko, ang panahon kasi, gumagana lang pag may nasimulan na. yun yung tipong, magiisip yung nasaktan, kung dapat ba talagang patawarin. sabi naman, bilang katoliko, matuto tayong magpatawad. totoo naman e. pero hindi naman binanggit na ang dapat matutunan, ay yung makita at maramdaman natin na taus puso yung paghingi ng tawad. hindi yung pagmukhain nating tanga yung sarili natin or matutunan na lang na maging masokista.

kung marunong talaga tayong magmahal, bilang kapatid, kaibigan or "better half"... dapat alam natin yung mga salitang iingatan natin. hindi yung mga salitang aabusuhin. kasi minsan, limang letra man ang salitang "sorry", marami pang salita ang kadugtong nyan kapalit ng sagot sa mga tanong. at siguraduhin natin, na alam natin, kung bakit tayo nanghihingi ng tawad. hindi dahil nasaktan natin sila, kundi dahil sa kung bakit natin nagawa yung nakasakit dun sa tao. kasi pag sinagot natin ng ewan, sigurado, mauulit lang yon.

pag tumatanda ka na, madali ka ng mapagod. nakakatakot yun. yung tipong pagod na ang tenga mo makinig sa mga salita, pagod na yung mata mo kakaiyak, pagod na yung puso mong magpatawad, at pagod na ang kabuuan mo kakahintay ng sagot. at ang mga salitang maririnig, mababasa, at mararamdaman, tumatagos sa kaluluwa. at mas hindi nakakalimutan.

6 comments:

  1. kung magpatawad lang, madali un. ang mahirap yung makalimot..

    ReplyDelete
  2. forgiveness is a CHOICE. :) it's a process. you have to deal with it in a day to day process.

    ReplyDelete
  3. i agree. meron kasing mga tao na walang alam gawin kundi magsorry, tapos uulitin at uulitin lang din ang gagawin. nakakainis kaya.
    the word "Sorry" is not "just" sorry. kaya sa susunod na napunta ka sa situation na ikaw ang at fault, PAUSE. think things over muna. kung alam mo sa sarili mo na talgang kasalanan mo at handa kang magturn back from that, tsaka ka magsorry. kasi kung di mo gagawin un, sooner or later, wala nalng ding maniniwala sayo pag nagsori ka ulit. kawawa ka naman. hehe ;p

    ReplyDelete
  4. yah right, ang hirap makalimot..Lalu na kung nasaktan tayo ng taong inaakala nating ''BUHAY'' natin.. Yung mga alaalang iniwan nya na tila bang multo na sa isipan...

    ReplyDelete
  5. nicccccccceeeee. yan ang mga gusto ko sa prens ko e. ^_^

    ReplyDelete
  6. hai. sobrang totoo. madali magsalita pero mhirap gawin. tsk. anghirap nman kung lagi ka mgpapatawad, ikw lagi ang mag-aadjust. ikaw lagi masasaktan. parang unfair nman yun. hai.

    ReplyDelete