so araw ko to.
sa isang bahagi ng dekada... alam ng maykapal kung gaano ako kasaya sa ibinahagi nyang mga instrumento kung bakit masasabi kong napakasarap at nandito ako sa kinauupuan ko ngayon. sa napakarami ng taong nagiba ang mga pananaw, anyo at pagkakakilala sa isatisa... nandyan ang mga nagtiis sa kaepalan ko at ang mga tumanggap ng aking kabuuan.
Ona, Tricia, Alvin... ang tatlong taong matagal kong kinapitan ng ubod higpit sa mga oras na hindi ko inaasahang darating. mga nagsilbing bagay sa aking mga bangin at hinding hindi bumigay sa oras na ako na ang gustong bumitaw. Dianne, Teena, Vannie, Isang, Meanne, Teena C., Mau, Dang, Daisy, Josh, Wey, Bong, Alfred, Andrew, Jon, kasama ang mga bumuo ng musika sa buhay ko.. Marvin, Al, Aris, Rei.. walang makakahalintulad sa samahang nabuo ng tawanan, luha, at ng mga kwentong hindi kailanman ipinagkaila sa isat-isa.. sasabihin kong hindi sila makakakita ng gaya nyong lahat... na hindi kailanman matatagpuan ng ganun ganun lang. minahal ang bawat isang parang magkakapatid at nanjan pa rin kahit lumayo ang distansya.
Abhie, Ivan, Rico, Burns, Ronald, Khaz, Alfred, Stef.. mga taong hindi kailanman nagpanggap at ipinakita ang saya, at tawanang (halakhak nga talaga e) hinding hindi malilimutan.. mga taong kunektado sa isang pising mahirap atang pigtalin, at hindi uli sadyang maintindihan ang hinagpis at katotohanan ng buhay ng bawat isa.
Light, Alvin, Marik, Boo, Angel... isang tagay ng kape jan!
Anna, Andrea, She Alejo, Tunetski, Trish, , LT, Nina, Kimoy, Val, Gracie, Leslie, Ned, Teta, Ann Fran, Edz, Dessie, Marielili, Sherylle anne, Chuna and Wawerz... Mike, Diego, Mara, Anj, Joey, Owel, Ja, Yey, at Yam mga sooooooooooooooooooobrang mahal kong mga kapatid sa paniniwala ng iisang musikang inikutan ng aming mga damdamin, hanggang sa ipamahagi ang bawat buhay sa isat isa. mahal na mahal ko talaga kayo at anlaking pasasalamat ko sa musikang nagugnay sa ating lahat. Belay, Celest, Don, Faust, at ang libo libong halers na sumuporta, umintindi at nagmahal sa akin bilang kuya... alam nyong hindi ko kayo iiwan sa gitna ng laban. dahil nasa iisang bangka tayo. mahal na mahal na mahal ko kayo. sobra.
Champ, Roll, Omnie, Sheldon, Aia, Zach, Maps, Tim, Ebe, Diego, Mike D., Sir Raims... salamat sa musikang gumabay sa aking pagkatao.. na bumusog sa aking kaluluwa.. at sa pakikisamang hinding hindi masusuklian ng isang simpleng pasasalamat. Mga tunog lamang na nagkaroon ng lubos na pagkatao at nagbigay ng malaking parte sa aking buhay. dahil alam nyong musika rin ang nananalaytay sa aking kabuuan.
Claire, and Jan... who gave me the opportunity to use all my english skills. (HAHAHAHAHAHAHA).. two new girls in my life that i love and gives me the reason to smile on a new day viewing lj, and my favorite series of all time.
Mariel bebepats... ang isa sa mga pinakamamahal kong hindi kailanman nakalimot, sa lahat ng tuwa at mga bagay na mga praning at may topak lang ang makakaunawa.
Sir Darwin Hernandez, Sir Russel Eustaquio, Mam Ethel Cachapero, Ms Chu.. sa pagtitiwalang lubos kong tinatanawan ng utang na loob. Mga taong sa maikling panahon ay nagbigay sa akin ng tuwa at mga salitang huhubog sa aking katauhan. mahal na mahal ko po kayo.
Sa mga LJ friends ko jan!!!!
sa nagiisa kong kapatid, ate winky, hindi sapat ang aking pasasalamat sa diyos na ikaw ang tintingala ko. na hindi kailanman ay inabandona ang kahit anong bunga ng aking pagiging iresponsable at hindi nangiming ilagay ako sa tamang lugar. kay mama at papa na pinuno ako ng pagmamahal na alam kong hindi maibibigay ng sinumang nilalang...na hindi ako tinalikuran sa pagiging suwail at tarantado, sa aking mga tito at tita na patuloy na nanjan sa likuran ko. David, Bruce, Tom, Alexis, Kristin, Aton, Junjun.. ang aking mga anghel na nagbibigay inspirasyon at ngiti sa akin..
Che at Gabby, ang magbibigay ng walang hanggang inspirasyon sa aking pagiging kaibigan, pagiging karamay, pagiging gabay at pagiging tao. Ang naghatid sa aking ng bagong sikat ng araw sa lahat ng karimlan na mistulang bumalot sa aking mundo. O sabihin na lang nating, gumising sa akin sa isang panaginip na di mawawaring masama o hindi. amg nakapagpalasap kung ano talaga ang tamis ng buhay.
To God, who gave me all the wonders of my very fruitful and prosperous years.. i love you po. thanks sobra for giving me everything that i need.
at sa mga taong alam nyo na dapat ay nandito kayo..
Maraming maraming salamat! Masaya talaga ako at nanjan kayo!

so why the hell senti?...
si gabby kasi e. she's the first to give me a gift. when she called sa cell kasi nasa starbucks pako at around 1215am... sabi nya... "dada.. HAPPY BIRTHDAY! may gift ako sa yo... *giggles*", i asked her kung ano... she said "basta punta ka rito".. so i was like really wondering kung ano yun. i went home at around 1am and

and then i hugged her and almost cried. coz she knew that i love cookie monster so much. and then she thought of buying me one. even cheche got so thrilled. i love you babes. *sniff*
No comments:
Post a Comment