andaming tao.
ambagal.
maraming peke.
bumabaha. = flooders sa bulletin board.
maraming manggagantso.
away dito, away doon.
tsismis.
agawan.
natural na sa akin yung di mag-add pag di ko kilala. kaya pag nagchecheck ako uli... bakit may mga nasa friends list ko na di ko kilala?? imposible namang aprubahan ko yun. pero nandun e.
yung iba parang giordanong peke. kahit bench na peke meron din. plastik. maraming maraming plastik.
pero gusto ko yung friendster. kasi andun yung mga bagay na di mo inaasahang makikita mo. para ngang quiapo.
sa quiapo kaya ako nakakita ng crazy/beautiful na dvd. yun yung araw na nangangatog ako dun sa taong grasa kasi nabuhay daw sya dati tapos alam nya kung ano at sino tayo dati. sinigawan nya nga yung babae na telepono pala yun dati e. ang galing nung taong grasa. biruin mo... telepono lang pala yung babae dati. tangina astig. telepono.
pano kaya yun? ibig bang sabihin... lagi syang "busy"? kasi dati wala namang call waiting e. nakakahiya naman kung payphone sha. kasi ibig sabihin... ginagamit lang sya ng tatlong minuto sa halagang limang piso. ng kung sinu sino ha.
paano mo ba mapapaniwalaan ang isang taong grasa? yung mga may friendster nga nakakaduda, sila pa kayang wala.
galing kay
xavier's lame-ass excuse to break up: "I'm sorry I just sobered up" 'What is your lame-ass excuse to break up?' at QuizGalaxy.com |
wow. this quiz is like dr phil. but.. one thing though... i never thought it was lame.
No comments:
Post a Comment