minsan dumating ka sa puntong nangako ka na ayaw mong magkaroon pa ng dagdag na kaibigan dahil ilang beses ka nang nilaglag. pero minsan darating ka sa lugar na di mo inaasahang nasa kaluluwa mo na ang maging pala-kaibigan kaya kinakalimutan mo na ang pangako mo sa sarili mo.
pero hindi ka lang naman minsan nilalaglag e. palagi. yung mga dati ko pa ring kaibigan ang napatunayan kong hindi nagiiwan sa ere. pero minsan may mga tao kang makikilala na pagkatapos nilang mapalapit sa yo, may intensyon din palang mapalapit sila sa malapit sa yo. minsan ayaw mong isipin na ginagamit ka. sino ka ba naman para gamitin di ba? hindi ka naman makapangyarihang tao. hindi ka naman sikat. pero malalaman mo na lang na ginamit ka lang para sa kapakanan nilang ma-validate ang sarili nilang saya. pagkatapos kang mapakinabangan, aba putang ina... hindi ka na naaalala. bat ka nga naman kasi aalalahanin pa e hindi ka naman kawalan. kasi nagamit ka na e.
minsan nakakahiya ang ginagawa ko sa sarili ko. para lang matawa lahat. magpapatawa ka kahit pagpawisan ka, magharot ka, malait ka.. para lang sa kanila. nakakatawa noh. binbigyan ko ng kahihiyan ang sarili ko sa katutuwaan ng iba, at yun ay para sa mga taong itinuring kong kaibigan. pinagkatiwalaan, binigyan ng sikreto, mga bagay na dapat kayo lang ang makakaalam, tsismis, problema. pero putang ina ilalaglag ka lang.
oo putang ina nyo. kilala nyo sarili nyo. buti na lang wala nakong cellphone at nasira na ng tuluyan dahil sa putanginang ulan na yan. at sa putanginang katangahan ko. pero minsan... ang mga bagay na putang ina ang makakapagbigay sa yo ng pasya na maraming importanteng bagay ang dapat pinagtutuunan ng pansin. ang mga taong hindi kailanman nagpaka-putang ina sa yo.
ambobo ko bat ko pa kayo pinili. e di sana nabubuhay ako ng maayos ngayon. e di sana naglalaro lang ako ng pacman iimbis na isipin ang lahat ng katrayduran na pilit kong isinantabi dahil nagtiwala nga ako.
malas nyo lang di ako tanga. sabihin nyo mang hindi nyo sinasadya ang mga bagay na pinaggagagawa nyo, minsan dapat nyong malaman na nakakabwisit ang mga taong gaya nyo.
No comments:
Post a Comment